"Pagdurusa"
ni: Hazeline Burton (HUMSS)
Ako'y nagmahal na tila'y nagdusa
Puso ko'y wasak na wasak na.
Pag-ibig nga naman bakit ganito pa?
Tulungan mo ako at ako'y babangon pa.
Ako'y naglalakbay sa dilim,
upang hanapin ang kaligayahan.
Nakita ko ang isang bituin,
nangangarap sabay nagniningning.
Napasampal ako sa aking pisngi.
Oh! Puso kong litong-lito.
Ang katangahan ko'y
bumabalik muli.
At sa balak niyang pagbabalik?
Huwag na at ako'y papaasahin niya ulit.
Maging maligaya na at kalimutan,
ang mga pangyayari.
https://blogspot.com
https://blogspot.com

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento